Virgen de la Leche con NiƱo y San Juanito -- Francesco del Brina
Madonna Litta -- Leonardo Da Vinci (1452-1519)
Ang maling kayumian ang marahil isa sa mga dahilan na humadlang upang hindi gaanong makilala ang katawagan na ito ng Mahal na Birhen. Matatandaang kahit ang salitang “leche” ay nakalulungkot na naging isang masamang salita sa ating mga Pilipino. Ang larawan ng Nuestra Señora de la Leche y Buen Parto, na nagpapakita kay Maria habang pinapasuso ang batang si Hesus ay isang magandang halimbawa at tanda ng pagiging Ina ni Maria at nawa sa pamamagitan nito ay mapanibago at mapalakas natin ang ating pagdedebosyon sa Mahal na Birhen at ang ating pag-asa, pananampalataya at pag-ibig lalo’t higit ng mga nagdadalang-tao at mga hindi magkaanak. Halina’t ating tuklasin ang dakilang biyaya mula sa gatas ni Maria.
The Virgin as Queen of Heaven by Hans Baldung Grien