San Bernardo Clairvaux
Isang tanyag na alamat din ang isa sa mga pinagmulan ng pagdedebosyon sa Virgen de la Leche. Sinasabing noong 1146 sa Katedral ng Speyer sa Germany, habang nananalangin si San Bernardo sa harapan ng katulad na Larawan ng Birhen, kanyang sinambit ang katagang: “MONSTRA TE ESSE MATREM.” (Ipakita mong ikaw ay isang Ina). Sa isang saglit, nabuhay ang imahen at ipinainom kay San Bernardo ang kanyang gatas. Ito ay naging simbolo sa malalim na debosyon at kaalaman ni San Bernardo at sa matibay at mabisang pamamagitan ni Maria sa nasabing banal, kung kaya’t siya ay itinanghal bilang isa sa mga dakilang pantas ng simbahan na nagtanggol at nagtaas sa mga katuruan ng ating Simbahang Katolika.