Pagsisiyam sa Mahal na Birhen
ng Gatas at Matiwasay na Panganganak
Para sa pribadong gamit lamang.
Ang tanda ng Santa Krus, ipag-adya Mo kami Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway namin. Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya Nawa.
V. Buksan mo Panginoon, ang aking mga labi.
R. At pupurihin ka ng aking dila.
V. Pagsakitan mo Diyos ko, ang pagaampon at saklolo Mo sa akin.
R. At iadya Mo ako sa mga kaaway.
V. Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
R. Kapara nong unang-una, ngayon at magpasawalang- hanggan. Siya nawa.
Maria, Ina ng biyaya, ng kabaitan at ng awa, ipagtanggol Mo kami at ampunin
ngayon at sa oras ng aming kamatayan. Siya nawa.

PAGSISISI
Mahal naming Ina, natatalastas ko ang walang kaparang hirap na Iyong dinanas bilang Ina ng Diyos at ng aming mananakop na si Hesus. Walang kapara ang lumbay na tumagos sa masintahin mong puso nang ang Inyong buong mag-anak ay kinailangang lumisan patungong Egipto upang mailigtas ang buhay ng nag-iisa Mong Anak. Ang pagdurusang ito ay muling tumimo at nagdulot ng kapait-paitang sakit sa Iyong puso, ng sa loob ng ilang araw ay nangungulila Ka sa Iyong ginigiliw na si Hesus, nang Siya ay mawalay sa Inyo sa templo. Ito ay naging ganap sa kapait-paitang landas patungong Kalbaryo hanggang sa Kanyang kamatayan at libingan. Pinagsisisihan ko ang lahat at bawa’t kamalian at pagkukulang ko at minamatamis kong mamatay muna sana ako bago muling magkasala sa Kaniya. Mula ngayon, kaibig-ibig na Ina, ay ipinangangako ko ang pagbabagong buhay at hindi na ako magkakasalang muli sa tulong ng Iyong mahal na Anak. Sa Iyo naman, Ina ko, ipinagmamakaawa ko na hingin Mo sa Kanya na pakamtan sa akin ang biyayang ito. Ipakita at ipaalala Mo ang mga dinalita Mo sa Iyong pagiging Ina sa Kanya at sa buong sangkatauhan, upang lalong mabalino ang Kaniyang masintahing puso. Siya nawa.

UNANG ARAW: Si Maria ay Ina ng Diyos
Mahal na Ina ng Diyos, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ipinaglihi at ipinanganak Mo ang aming Diyos na si Hesus. Dahil sa Iyong matimyas na pag-ibig sa Dakilang Lumikha, nagkatawang-tao Siya, upang ipakita at ipadama ang Kanyang Dakilang Pag-ibig para sa aming lahat. Dahil sa Iyong walang pagmamaliw na pananampalataya, buong kapakumbabaang-loob Mong hinayaang maganap ang Kanyang Salita. Nawa, sa Iyong halimbawa, matuto kaming mabuhay sa pananampalataya at buong kapakumbabaang-loob na tanggapin ang kalooban ng Diyos para sa amin. Nawa mabuhay kami sa pag-ibig upang aming masuklian ang wagas Ninyong pagmamahal na buong puso Niyong inalay sa pagkakatawang tao ni Hesus. At kung matutungkol sa lalong kapurihan ng Niya, at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob Mo po sa amin ang biyayang ninanasa dito sa pagnonobena. Siya nawa.
Humingi ng biyayang ibig kamtan at magdasal ng tatlong Aba Ginoong Maria at isunod ang...
MEMORARE
Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birhen Maria na, kailan ma’y di narinig na may dumulog sa iyong pagaampon, humingi ng Iyong tulong at nagmamakaawa ng Iyong saklolo, na Iyong pinabayaan. Dala ng pag-asa na ito, dumudulog ako sa Iyo Oh Birhen ng mga birhen, Ina, sa Iyo ako’y lumalapit, sa Iyo ako’y humaharap na makasalanan at namimighati. Oh Ina ng walang hanggang berbo, wag mo akong siphayuin, ang aking pagluhog, bagkus, sa Iyong habag, pakinggan mo ako at pakapakinggan. Siya nawa.
PANALANGIN
Kaibig-ibig na Ina, Mahal na Birhen ng Gatas at ng Matiwasay at Matagumpay na Panganganak, mapagmahal na Ina ng aming Manunubos na si Hesukristo, pakinggan Mo ang aking panalangin. Batid ng puso Mo ang bawat kahilingan at pangangailangan ko. Ako'y nananalig, Mahal na Ina, na ako ay Iyong tatangkilikin sa ilalim ng Iyong pangangalaga, tulad ng ginawa Mo sa Iyong Anak. Mamagitan Ka sa Kanya upang ako ay magkaroon ng tapang at lakas na mapagtagumpayan ang anumang kinakaharap ko. Bigyan mo ako ng biyaya na manatiling tapat sa Iyo sapagkat Ikaw ang aking maningning na inspirasyon ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
(Magwawakas araw-araw sa litanya, panalangin at mga dalit)

IKALAWANG ARAW: Si Maria ay Ina ni Kristo
O Ina ni Kristo, Ina naming lahat! Anong hirap at pasakit ang tiniis mo bilang Ina ng aming Tagapagligtas na si Kristo Hesus? Walang kaparang lumbay ang nadama mo nang ang Inyong buong mag-anak ay kinailangang lumisan patungong Egipto upang mailigtas ang buhay ng Iyong Anak. Gayundin, lubos na pangungulila ang naramdaman mo ng mawalay sa Iyo si Hesus nang Siya ay mawala sa templo. At kasunod nito ang walang-kapantay at walang kasing pait na dalamhati ng mamalas ng sarili Mong mga mata ang paghihirap at pagkamatay ng nag-iisa Mong Anak. O Mahal na Ina, nawa makintal sa aming puso ang walang maliw na pagmamahal Ninyong mag-ina para sa aming lahat. Nawa, ang Inyong tiniis na mga dalamhati’t pasakit ay magturo sa amin ng daan tungo sa buhay na kasiya-siya at ganap sa piling Ama. Hingin Mo sa Iyong makapangyarihang Anak na ipagkaloob sa amin ang katapangan ng loob sa pagyakap ng krus ng mga kahirapan at makamtan namin ang korona ng kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, at ipagkaloob sa amin ang ninanasa naming kamtan dito sa pagnonobena. Siya nawa.
IKATLONG ARAW
Si Maria ay Inang Mapagkalinga:“Mater Omnium, Nutrix Omnium”
Maria, Ikaw ay Inang Mapagkalinga. Sa Iyong pagpapasuso at pagkalinga kay Kristo, kinalinga at inaruga mo rin kaming mga anak Mo. Sa pamamagitan ng pagbabahagi Mo ng Iyong sarili sa Iyong Anak, naging ganap ang pag-aalay Niya ng Kanyang sarili sa amin, kung kaya’t ang aming kaligtasan at buhay na walang hanggan ay naging posible. Ang pag-aalay Mo ng Iyong sarili ay nagbigay ng daan upang ang pag-aalay ni Hesus ng Kanyang sarili sa Kalbaryo at sa Banal na Eukaristiya ay maging ganap at tunay na laan para sa amin. Salamat Mahal na Ina sa dakilang biyayang ito. Dahil sa Inyong pagiging bukas-palad, kami ay nailigtas. Turuan Mo kaming maging tulad Ninyo at kung magiging marapat sa kapurihan Niya at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob naman sa amin ang biyayang ninanasa dito sa pagnonobena. Siya nawa.
IKAAPAT NA ARAW: Si Maria ay Ina ng mga Ina
O Ina ng mga ina, pinababanal at pinadadakila Mo ang pagiging Ina. Sa Iyong mga halimbawa, Ikaw ay gabay at huwaran ng bawat ina upang maging ganap ang kanilang pagiging ilaw ng kanilang sariling pamilya. Ang pamilya na siyang saligan at pinakamahalagang bahagi ng aming Simbahan at pamayanan. Tulungan mo ang bawat ina na m amuhay ng ganap at kasiya-siya sa Diyos upang mahubog ng wasto sa pag-ibig ang bawat kabataan sa daigdig tungo sa isang Simbahan at pamayanang nagkakaisa, nagmamahalan at nagtutulungan. Aliwin mo sila sa mga oras ng kalungkutan at pangungulila at ingatan mo sila sa bawat yugto ng kanilang buhay. Nawa, sa mabisa Mong pamamagitan, mapanibago ang aming mundo para sa kaharian ng ating Diyos, at kung nararapat sa lalong kaluwalhatian Niya at sa kagalingan ng aming kaluluwa, ipagkaloob Mo naman sa amin ang ligayang ninanasa dito sa pagnonobena. Siya nawa.

IKALIMANG ARAW: Si Maria ay Inang Mapagmahal
O Inang Mapagmahal, sa Iyong halimbawa, pinakita Mo sa amin ang tunay at wagas na pagmamahal sa pamamagitan ng walang pasubali at bukas-pusong pagbabahagi ng sarili sa Diyos at sa lahat ng Kanyang mga anak. Pinadama Mo sa amin, kung paano suklian ang walang pagmamaliw na pag-ibig Diyos ni Kristo. Tulungan mo kaming maging bukas-palad sa pagbabahagi ng aming mga sarili lalo’t higit sa aming mga kapos-palad na kapatid, at tulad Mo, ay walang hinihintay na kapalit, kungdi ang maipadama ang mainit na pag-aaruga ng sa atin ay Maylikha. At kung nararapat sa lalong kapurihan ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa ay ipagkaloob mo naman sa amin ang ninanasa naming kamtan dito sa pagnonobena. Siya nawa.
IKAANIM NA ARAW: Si Maria ay Ina ng Biyaya
O Mahal na Birhen, aming Ina, Ikaw ang aming Mediatrix – ang aming tagapamagitan kay Kristong Anak Mo. Ikaw ang tagapamagitan ng sangkatauhan at tanggulan ng bawat kristiyano. Ikaw ay katulong, kaagapay at kasalo sa pagliligtas ni Kristong aming Manunubos. Dahil dito, sa Iyo Niya ipinagkaloob na maging daluyan ng masagana at walang pagmamaliw na biyaya mula sa Kanyang masintahin at maawaing puso. Tulungan at pakinggan Mo kami sa aming mga karaingan at pangangailangan. Batid ng malinis Mong kalooban ang aming abang kalagayan. Wag Mo kaming siphayuin, bagkus ilingon Mo sa amin ang mga mata Mong maawain upang aming tamasahin ang ligayang walang kapara na inilaan sa amin ng Ama. Hingin Mo sa Diyos na habang panahon ay wala kaming gawin kundi ang inaasal at ginagawa ng mga mapapalad Mong anak at kung nararapat sa lalong kapurihan Niya at kagalingan ng aming kaluluwa, ipagkaloob Mo naman sa amin ang biyayang ninanasa sa pagnonobenang ito. Siya nawa.
IKAPITONG ARAW: Si Maria ay Inang Kalinis-linisan
O Inang ipinaglihi ng walang bahid ng kasalanan, Ikaw ay bukod na itinangi ng Diyos upang maging Ina ng Kanyang bugtong na Anak. Upang pagindapatin ang Iyong pagganap sa natatanging istorya ng pagliligtas sa amin, Ikaw ay binukod sa babaeng lahat at ngayo’y itinatampok bilang Inang kalinis-linisan, Inang Walang Malay sa Kahalayan. Tulungan mo ang bawat ina na mamuhay ng tapat at kasiya-siya sa kalooban ng Diyos, upang higit na mapabanal ang bawat pamilya na bumubuo ng aming Simbahan at pamayanan. Nawa sa Iyong gabay at halimbawa, mapanatili ng mga ina ang kanilang kabanalan upang magsilbing maningning na gabay sa kanilang mga anak at sa bawat taong nakakasalamuha nila. At kung nararapat sa lalong kapurihan ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob Mo naman sa amin ang mga biyayang ninanasa sa pagnonobenang ito. Siya nawa.

IKAWALONG ARAW: Si Maria ay Inang Mapagtiis
O Inang nagtiis ng hapis, Ikaw na lumagok sa kalis ng paghihirap ng Iyong pinakamamahal na Anak, pinagindapat Mong makisalo sa mga hirap na binátà ni Kristo upang samahan Siya at agapayan sa kapait-paitang landas patungong Kalbaryo. Mula sa Kanyang kabataan hanggang sa Kanyang libingan, hindi Mo siya nilubayan, bagkus ay nakipagtiis Ka sa Kanyang dakilang misyon ng pagliligtas. Pinili Mong manatili at hindi Siya iwan dahil sa dakila Mong pagmamahal sa Kanya at sa amin na Iyo ring mga anak. Tulungan Mo kami lalong lalo ang lahat ng mga ina na maging matatag sa pagharap namin sa buhay. Palakasin Mo ang aming mga loob upang tulad Mo, ay manatili kaming mapagtiis sa bawat luha at hilahil na aming kakaharapin at tanggapin ng maluwag sa aming loob ang kalooban ng Ama. Ipamagitan Mo kami sa Diyos ng kapatawaran at isang lubhang matibay na pagtitika na piliin muna namin ang kamatayan bago magkasala sa Diyos at kung nararapat sa lalong kaluwalhatian Niya at kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob mo naman sa amin ang biyayang ninanasa dito sa pagnonobena. Siya nawa.
IKASIYAM NA ARAW: Si Maria ay Ina ng Awa
Ipakita mong Ikaw ay Ina. Ina ng Diyos na si Kristo, Ina naming Lahat. Sa Iyong habag at awa, ilingon Mo sa amin ang Iyong mga mata. Puno ng pag-asa, kami ay nananalig na kami’y ipamamagitan Mo. Gaya ng ginawa Mo sa kasalan sa Cana, pukawin Mong muli ang puso ng Iyong Hesus upang igawad sa amin ang Kanyang kapatawaran at pagkalinga. Sa loob ng siyam na araw, pinagbulay-bulayan namin ang Iyong pagiging Ina. Ina ng Diyos na sumakop sa amin, at Ina na sa ami’y inihabilin. Sa paa ng Krus, inihabilin Ka sa amin ni Kristo at inihabilin Niya naman kami sa Iyo. At yayamang Ikaw ay amin, at kami’y Iyong-iyo, tangkilikin Mo kami ngayon at sa habang panahon at ariin Mong Iyong mga tunay na anak. Tulungan Mo kaming mabuhay ng naaayon sa kalooban ng Ama, ayon sa mga turo at halimbawa Mo at ni Kristo. Patnubayan Mo ang Inang Simbahan sa kanyang pagganap sa mga tungkuling iniwan sa kanya ng Iyong Anak. Patuloy ka nawang maging halimbawa sa kanya sa pagyakap at pagkalinga sa bawat Kristiyano saan mang panig ng mundo. At kung nararapat sa lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, ay ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang ninanasa namin sa pagnonobenang ito. Siya nawa.

LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN DE LA LECHE Y BUEN PARTO
Panginoon, maawa Ka sa amin Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo, maawa Ka sa amin Kristo, maawa Ka sa amin.

Kristo, pakinggan Mo kami Kristo, pakinggan Mo kami.
Kristo, pakapakinggan Mo kami Kristo, pakapakinggan Mo kami.
Diyos Ama sa Langit, Maawa Ka sa amin.
Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, Maawa Ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo, Maawa Ka sa amin.
Banal na Santatlo, iisang Diyos, Maawa Ka sa amin.
Santa Maria, Ipanalangin mo Kami.
Santang Ina ng Diyos, Ipanalangin mo Kami.
Ina ni Kristo, Ipanalangin mo Kami.
Ina ng Grasya ng Diyos, Ipanalangin mo Kami.
Inang kasakdal-sakdalan, Ipanalangin mo Kami.
Inang walang malay sa kahalayan, Ipanalangin mo Kami.
Inang di malapitan ng masama, Ipanalangin mo Kami.
Inang kalinis-linisan, Ipanalangin mo Kami.
Inang pinaglihing walang kasalanan, Ipanalangin mo Kami.
Inang kaibig-ibig, Ipanalangin mo Kami.
Inang kataka-taka, Ipanalangin mo Kami.
Ina ng mabuting kahatulan, Ipanalangin mo Kami.
Ina ng may gawa sa lahat, Ipanalangin mo Kami.
Ina ng mapag-adya, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Pag-asa ng lahat ng kababaihan, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Huwaran ng lahat ng kababaihan, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Huwaran ng lahat ng ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Pinagpala sa Iyong pagiging ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Pinagpala sa lahat ng mga ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Itinaas ang pagiging ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Pinababanal ang pagiging ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Pinababanal ang mga ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Inspirasyon sa Iyong pagiging ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche, Aliw ng mga ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Tanggulan ng mga ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Tagapag-ingat ng mga ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche, Gabay ng mga ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche, Ina ng mga ina, Ipanalangin mo Kami.
Virgen de la Leche,
Ina ng maluwalhating pagluluwal, Ipanalangin mo Kami.
Reyna ng kabanal-banalang pamilya, Ipanalangin mo Kami.
Reyna ng malinis na buhay pamilya, Ipanalangin mo Kami.
Reyna ng mga ina, Ipanalangin mo Kami.
VIRGEN DE LA LECHE Y BUEN PARTO, Ipanalangin mo Kami.
Kordero ng Diyos na nakawawala
ng mga kasalanan ng sanlibutan, Patawarin Mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala
ng mga kasalanan ng sanlibutan, Pakapakinggan Mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nakawawala
ng mga kasalanan ng santinakpan, Maawa Ka sa amin.
V. Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.
R. Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni
Hesukristong Panginoon namin.

V. MANALANGIN TAYO.
R. Katamis-tamisang Birhen, Reyna ng Langit, pinili sa lahat ng babae upang maging Ina ng Anak ng Diyos. Maria, aking Ina, sa Iyong pagiging Ina ay pinabanal ang kalagayan ng lahat ng mga ina, lumuluhog akong lumalapit sa Iyo; pakumbabang lumalapit ako sa Iyo, ako'y nananalig sa Iyo. Naniniwala akong ako'y Iyong matutulungan sa aking mga kailangan. Sa Iyo, Mahal na Birhen, ako'y lumalapit. Aba at nangangailangan, ako'y tumatakbo sa Iyo at buong tiwala na ipinauubaya sa Iyong mga kamay ang lahat. Tanggapin Mo ang aking tiwala, pakinggan ang aking mga dalangin at tulungan ako, Mahal na Ina ng mga ina. Amen.

KATAPUSANG DALIT SA VIRGEN DE LA LECHE
MEDIATRIX!
Ikaw ang aming tagapamagitan kay Kristong kalong Mo.
Ikaw ang tagapag-lapit ng mga kaluluwa sa Batang pinapasuso Mo.
Ang batang si Kristo na Iyong inaruga, at kinalinga.
Ang Diyos at Tagapag-ligtas namin.
MATER OMNIUM, NUTRIX OMNIUM!
Sa Iyong pagkalinga kay Kristong aming Mananakop,
Kinalinga Mo rin ang sangkatauhan.
Sa Iyong pagpapasuso kay Kristo,
pinakita Mo sa amin ang Iyong pag-ibig.
Nawa’y kami’y matulad sa Iyong dalisay na pagmamahal
sa Diyos at sa lahat ng Kanyang anak.
MONSTRA TE ESSE MATREM!
Ipakita Mong Ikaw ay Ina.
Ina ng Diyos na si Kristo, Ina naming Lahat.
Ihandog mo sa Kanyang mga paa ang
aming marubdob na pagmamahal at pagdedebosyon sa Inyo,
Kasabay ang aming mga karaingan at lahat ng pangangailangan.
V. Narito ang alipin ng Diyos.
R. Maganap nawa sa akin ang ayon sa kalooban mo. Amen!
VIRGEN DE LA LECHE, ipanalangin mo po kami.
Sa Ngalan ng +Ama, at ng +Anak, at ng +Espiritu Santo. Siya Nawa.