Ang Yungib ng Gatas (Milk Grotto)
Ang Pamamahinga mula sa paglisan patungong Ehipto.
Ang larawan ng Virgen de la Leche ay maaaring nagsimula rin sa istorya ng pamamahinga ng Banal na Pamilya sa daan noong sila ay tumakas patungong Ehipto. Maraming larawan ang naiguhit ng mga sikat na pintor sa Europa at ipinapakita rito na habang namamahinga ay pinapasuso ng Mahal na Birhen ang batang Hesus habang si San Jose ay namamahinga sa isang tabi mula sa isang nakakapagod na biyahe. Sa Jerusalem, may isang yungib na tinatawag na Grotto ng Gatas na siyang sinasabing tradisyunal na lugar kung saan naganap ang nasabing pamamahinga at pinagtalsikan ng mapagpalang gatas ng Mahal na Birhen.