Lahat tayo ay bahagi ng iisang pamayanan; lokal, pangkalahatan, at espiritwal na aspeto. Habang binubuo natin ang isang pamayanan ng mga mananampalataya na nagkakaisang ipinagkakapuri ang Ebanghelyo ni Kristo, at mga deboto ng Kanyang sariling Ina, tayo ay bumubuo din ng pamayanan sa labas ng apat na sulok ng Simbahan. Ilang gawain na ang pinagsusumikapang idaos ng palagian upang tupdin ang ating misyon na ibahagi si Hesus sa iba sa pamamagitan ng Kanyang Ina. Tayo ang di natitinag na nananampalataya na ang Simbahan ay hindi natatapos sa gusaling yari sa bato o kahoy ngunit ang Simbahan ay ang mga tao na bumubuo ng pamayanang ito. Aming dalangin na kayo ay makiisa sa aming mga adhikain at makatagpo ng isang pamilya na tatawagin ninyong inyo.
Nais naming tulungan kayo na higit na palakasin at pag-ibayuhin ang inyong kaugnayan sa Diyos at sa Kanyang minamahal na Ina. Saan man kayo nagmumula o kung anumang antas ng buhay ang inyong kinabibilangan, kami'y naririto upang tulungan at makiisa sa inyo. Samahan ninyo kami, samantalang ating pinagsusumikapang alalayan ang bawat isa na simulan ang ating paglalakbay sa buhay na kasama ang Diyos!
❝Si Hesus ang tagapamagitan ng katarungan; Si Maria ang nagkakamit para sa atin ng mga biyaya; gaya ng sinabi ni San Bernardo, San Buenaventura, Sta. Bernardita ng Sienna, San Hermano, San Antonio at ang iba pa, iniloob ng Diyos na ipamahagi sa pamamagitan ng mga kamay ni Maria ang anumang biyaya na ikinasisiya niyang ipagkaloob sa atin. Sa Diyos, ang mga panalangin ng mga banal ay mga panalangin ng kanyang mga kaibigan, ngunit ang mga panalangin ni Maria ay mga panalangin ng Kanyang sariling Ina.❞ ~San Alfonso Liguori~