San Pio de Pietralcina
Isang katulad na larawan na tinatawag ding Birhen ng Grasya ang nakaguhit sa harapang pader at kisame sa likod ng altar ng simbahan ng San Giovanni Rotondo, Italia, kung saan nabuhay si San Padre Pio de Pietralcina. Sa larawang ito, ipinapakita na ibinabahagi sa ating lahat ng Batang si Hesus ang gatas ng Kanyang Ina, na siyang kumakatawan sa mga biyayang mula sa Kanya.